GLOBAL IDOL
May 11th, 2008 by teamchizBibilib ka talaga kay Sen. Chiz Escudero, sunud-sunod ang natatanggap
na parangal, at take note, hindi lang dito sa atin kundi sa ibang bansa
rin. Imagine, kabilang siya sa mga Young Global Leaders para sa taong
2008. Kasama ang bagets na senador sa 24 young achievers mula sa South
Asia, ayon sa ipinalabas na listahan ng World Economic Forum sa Geneva,
Switzerland.
Ang karangalang ito ay taunang ibinibigay ng World
Economic Forum bilang pagkilala at pagtaguyod sa mga kabataang
nangunguna sa kanilang napiling propesyon, pati na ang kanilang
napangatawanang dedikasyon sa lipunan at pangakong maging matibay na
haligi sa kinabukasan.
Patunay ito na seryoso siya bilang isa sa
mga pinakabatang senador ng bansa. Pagkilala rin ang karangalang ito sa
kakayahan ng kabataan na maging gabay ng napapanahong pagbabago sa
mundo.
Kaya nga ngayon pa lang ay malakas na ang bulung-bulungan
na siya ang mapipiling standard bearer sa presidential election na
gaganapin sa 2010 na hindi naman niya dini-deny na pangarap niya noon
pang bata pa lang siya.
"Hindi masama ang magkaroon ng ganitong
pangarap," sagot ni Sen. Chiz sa interview ng Playboy Philippines
kamakailan. Siya ang bukod tanging napiling male interviewee sa maiden
issue ng Philippine edition ng sikat na international magazine. "At
kung pangarap ang pag-uusapan, dapat pangarapin na marating ang
pinakamataas, dahil nga pangarap ito. Ang katotohanan ay ibang usapan. "
Sa
ngayon, hindi pangarap ang sunud-sunod na pagkilalang tinatanggap ni
Escudero sa kanyang unang taon sa Senado, matapos ang siyam na taon
bilang kinatawan ng Sorsogon sa Lower House ng Congress. Nauna na ang
mapabilang siya sa mga Asian Idols kamakailan lang, na sinundan nitong
parangal na "global idol" ng World Economic Forum.
